Panibagong batch ng mga opisyal na tatanggalin sa pwesto ni Pangulong Duterte, posibleng ilabas Ngayong Linggo – Malacañang

by Erika Endraca | May 2, 2019 (Thursday) | 4299
RICHARD MADLEO/PRESIDENTIAL PHOTO

Manila, Philippines – Posibleng ilabas ngayong Linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong batch ng mga opisyal na tatanggalin nito sa pwesto dahil sa sari saring isyu ng katiwalian

Ito ang ibinunyag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa programang Get It Straight with Daniel Razon kahapon May 1.

Matatandaang bago magtungo sa China noong nakaraang Linggo, nagbanta na ang punong ehekutibo hinggil dito.

“Di niya pa sinasabi but anytime this week, siguro lalabas na iyon. Sinabi niya yun, before he left for beijing” Ani presidential spokesperson & chief presidential legal counsel sec. Salvador panelo

Naniniwala naman ang opisyal na walang miyembro ng gabinete ang kasama sa mga aalisin at papalitan sa pwesto ng chief executive.

Kaalinsabay nito, pinag-aaralan pa ng pangulo ang isinumiteng ulat ng Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) hinggil sa nangyaring water interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal province noong Marso.

Ngayong linggo rin posibleng magdesisyon ang punong ehekutibo tungkol dito. Nauna nang hiningi ni pangulong duterte ang naturang ulat bago magdesisyon sa kahihinatnan ng mga opisyal ng MWSS at water concessionaires.

“Pinag-aaralan ni president duterte yung report ng mwss at mga mungkahi nila. And then he will act on it. Siguro, this week, mayroon na siyang desisyon.” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: ,