Anim na bagong Zika case ang kinompirma ng Department of Health ngayong araw.
Pawang ang mga ito ay walang history of travel palabas ng bansa kaya ito ay locally acquired.
Sa tala ng DOH nagyong buwang ng Setyembre, may siyam na kabuoang bilang na ng Zika infected case sa bansa.
Pito sa kompiramadong kaso ay mula sa Iloilo, isa rito ang kamakailang naiulat na 45 years old na babaeng buntis at dalawa sa kaniyang mga kasangbahay.
Lahat ng kompirmadong kaso ay nakitaan ng sintomas na skin rashes na may kasamang joint pains, lagnat at conjunctivitis.
Nagpadala na ang DOH ng quick response teams sa mga apektadong lugar.
Bagaman may karagdanag kompirmadong kaso ng Zika sa bansa nilinaw ng doh na hindi naman ito nakaka-alarma na baka kumalat pa sa iba’t ibang panig ng bansa ngunit dapat ay mag- ingat pa rin ang publiko.
Panawagan ng kagawaran upang labanan ang pagkalat ng Zika virus ay panatilihing malinis ang kapaligiran at nagpaalala ang kagawaran sa mga buntis na kaagad magpa- test kapag may sintomas ang mga ito gaya ng skin rashes upang maagapan at mapayuhan sa dapat gawin kung positibo ito sa Zika virus.
Bukas din ang DOH hotline 24/7 para sa mga katanungan at mga ulat ng suspected Zika cases.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)
Tags: kinumpirma ng DOH, Panibagong anim na kaso ng Zika sa bansa