Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakdang bumisita sa Cebu ngayong araw

by Radyo La Verdad | March 2, 2017 (Thursday) | 1950


Nakahanda na ang Police Regional Office-7 sa nakatakdang muling pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cebu upang dumalo sa dalawang engagement.

Unang dadaluhan ng pangulo ang groundbreaking ceremony ng Cebu-Cordova Link Expressway o CCLEX.

Ang proyekto na nagkakahalaga ng 27 billion pesos ay naglalayong matugunan ang problema sa traffic congestion sa Cebu City.

Ang CCLEX ay may haba ng eight kilometers at ito ang magkokonekta sa Cordova at Cebu City, ito rin ang magsisilbing alternate route patungong Mactan Cebu International Airport.

Inaasahang nasa tatlong daang Central Visayas Officials ang dadalo sa isasagawa groundbreaking ceremony.

Mula Cordova tutungo naman si Pangulong Duterte sa Waterfront Mactan Airport Hotel and Casino upang dumalo sa induction ng mga newly elected officers and trustees ng Cebu Chamber of Comers and Industry, Incorporated para sa taong 2017 to 2018.

Matapos ang kanyang pagbisita sa Cebu ay kaagad na tutungo ang pangulo sa Davao upang dumalo ng events doon.

(Gadys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , ,