Isa na namang military official ang tinanggal sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng umano’y katiwalian.
Ayon sa Pangulo, labinlimang milyong pisong cadet allowance umano ang nilustay ni Hector Maraña, dating comptroller ng Philippine Military Academy (PMA).
Nito lamang Lunes, sinibak din ng Pangulo ang pamunuan ng AFP Health Service Command at V. Luna Medical Center dahil sa ghost deliveries at kwestyonableng procurement ng medical equipment at supplies.
Samantala, tila napapagod na ang Pangulo sa paghabol sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan kaya pinag-iisipan na niyang bumaba sa pwesto.
Aniya, tila nabigo niya ang taumbayan sa pangakong lilinisin sa korapsyon at droga ang bansa.
Sinabi ng Pangulo na masyado nang malalim at malawak ang katiwalian sa Pilipinas at tila bahagi ng kultura ng mga transaksyon sa mga bawat ahensya ng pamahalaan.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )