Pangulong Rodrigo Duterte, isusulong ang pagkakaroon ng batas para sa total firecracker ban sa buong bansa

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 4069

Isang linggo matapos pumasok ang 2018, nais na ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon na ng batas na tuluyang magbabawal sa lahat ng uri ng paputok at anomang pyrotechnics sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, isa ito sa mga isusulong ng administrasyon sa kongreso ngayong taon matapos hindi maabot ng Department of Health ang target na pababain ng 50% ang bilang ng firecracker related injuries.

Batay sa pinakahuling ulat ng DOH, nasa 28 porsyento lang ang ibinaba ng firecracker related injuries o nasa 449 ang naging biktima ng paputok simula December 21, 2017 hanggang January 6, 2018.

Samantala, tinatayang nasa 75 libong mga manggagawa sa industriya ng paputok ang posibleng mawalan ng hanap-buhay kung tuluyan nang ipagbabawal ang paputok at fireworks sa buong bansa.

Dagdag pa ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi naman pababayaan ng pamahalaan ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho dahil inatasan na ang Department of Trade and Industry ng alternatibong pagkakakitaan

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,