Pangulong Rodrigo Duterte, inatasan ang AFP na bumili lamang ng military equipment sa Israel

by Radyo La Verdad | September 5, 2018 (Wednesday) | 6688

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa Israeli counterpart nito na si President Reuven Rivlin sa ikalawang araw ng pagbisita nito sa bansang Israel.

Nagkasundo ang dalawang lider na paigtingin pa ang ugnayan ng dalawang bansa hindi lamang sa usapin ng kalakalan at pamumuhunan.

Ayon kay Pangulong Duterte, inutusan niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumili lamang ng gamit pangmilitar sa Israel.

Una nang bumibili ng defense systems at weapons ang AFP, Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa Israel bukod pa sa ibang bansa.

Samantala, habang nagpupulong ang dalawang lider, isang kilos-protesta rin ang isinagawa ng mga Israeli activist laban sa posibleng weapons deal ng dalawang pamahalaan.

Tinutuligsa rin nila ang anti-drug war ng Duterte administration.

Ngayong araw ang huling araw ng official visit ni Pangulong Duterte sa Israel at pinakahuli sa kaniyang iskedyul ang pagbisita sa Open Doors Monument upang gunitain ang pag-ayuda ng Pilipinas sa mga hudyo noong panahon ng holocaust.

Pagkatapos nito, tutulak namang patungong Kingdom of Jordan ang delegasyon ng punong ehekutibo para rin sa isang official visit- kauna-unahan din para sa isang Philippine President.

 

( Roselle Agustin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,