Pangulong Rodrigo Duterte, bababa sa puwesto na mataas ang Approval at Trust Ratings

by Radyo La Verdad | June 28, 2022 (Tuesday) | 14377

METRO MANILA –Aprubado ng 75% ng 1,500 rehistradong botante ang pagganap sa tungkulin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng nakalipas na 6 na taon.

Batay ito sa isinagawang survey ng Publicus Asia Incorporated mula June 16-22, 2022.

10% lamang ang hindi sang-ayon, 69% naman ang nananatili ang pagtitiwala sa presidente habang 11% lamang ang hindi kumpyansa sa outgoing chief executive.

Ayon sa Executive Director ng Publicus na si Atty. Aureli Sinsuat, ipinakikita sa mga numerong aalis si Pangulong Duterte bilang pinaka-popular na presidente sa Post Edsa 1 era.

Dagdag pa nito, walang ibang presidenteng naglingkod sa ilalim ng 1987 constitution ang tinapos ang termino na may majority approval at trust ratings o supermajority ng public support. Ganito rin ang posisyon ng palasyo.

Kaya naman pagtanaw ng utang na loob sa sambayanang Pilipino ang tugon nito sa mataas na approval at trust rating.

Kaalinsabay ang panawagang ipagpatuloy ang pagkakaisa tungo sa pagkakaroon ng mapayapa, maunlad at maipagmamalaking bansa.

Sa Huwebes (June 30), inaasahang tuluyan nitong lilisanin ang Malacañang bago ang nakatakdang panunumpa sa pwesto ng hahalili sa kaniya sa pwesto na si President-elect Bongbong Marcos Junior.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,