Ekonomiya at agrikultura, ilan sa tatalakayin ni PBBM sa pagharap sa U.N. General Assembly

by Radyo La Verdad | September 19, 2022 (Monday) | 833

METRO MANILA – Nakaalis na kahapon (Seotember 18) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong New York City sa Estados Unidos.

Sa pre-departure speech ni Pangulong Marcos, binigyang diin niya ang kahalagahan ng kaniyang pagdalo sa United Nations Heneral assembly at maibahagi ang mga dapat na asahan ng u.n. sa pilipinas.

Kabilang sa ibabahagi ng pangulo sa 77th United Nation General Assembly ang tungkol sa ekonomiya at pang-agrikultura.

“Taking this into account, I will, one, share the Philippines’ vision in people-centered development, highlighting our administration’s thrust for economic recovery, food security, and agricultural productivity. We affirm the country’s commitment to the ideals of the UN, citing its contributions to peaceful settlement of disputes and of international law and the highlighting the importance of the UN in fostering international dialogue and cooperation.” ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Makikipagpulong rin si PBBM kay U.N. secretary-General Antonio Guterres.

Mahigit 150 na pinuno ng bansa ang magtitipon sa nasabing pulong na tatalakay sa mga pandaigdigang isyu.

Samantala, magkakaroon din ng working visit ang pangulo sa New York City para maghatid ng mensahe sa ilang mga economic briefing.

Inaasahang haharap rin si ang punong ehekutibo sa Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center.

(Asher Cadapan Jr | UNTV news.)