Pangulong Marcos Jr, biyaheng U.S. sa susunod na Linggo para dumalo sa APEC Summit

by Radyo La Verdad | November 8, 2023 (Wednesday) | 9101

METRO MANILA – Bibiyahe papuntang Estados Unidos sa susunod na Linggo si Pangulong Ferdinand Marcos Junior.

Ito ay upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, California.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Charles Jose, malaking bagay para sa Pilipinas ang pagdalo sa APEC dahil sa trade partnership.

Pangunahing isusulong ng pangulo sa APEC leaders summit ang ukol sa enerhiya, modernisasyon ng health care system at digitalization.

Pagkatapos nito, ay tutungo ang pangulo sa Los Angeles California at sa Honolulu Hawaii para sa working visit.

Bibisita rin si PBBM sa U.S. Indo-Pacific command sa Hawaii.

Tags: , ,