METRO MANILA – Nanindigan ang Malacañang na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinumiteng Quo Warranto petition ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN.
Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, hinahayaan ng Punong Ehekutibo ang mga opisyal nitong gawin kung ano ang kanilang mandato.
Itinanggi rin ng opisyal na ang mga statement ng Pangulo sa mga nakalipas na pagkakataon laban sa giant network ay may kinalaman sa kahilingan ng Solgen sa supreme court na ipawalang-bisa ang legislative franchise ng ABS-CBN.
Hindi rin naniniwala ang palace official na pananaklaw sa trabaho ng Kongreso na pag-aapruba sa pagbibigay ng prangkisa ang ginawa ng Solgen.
“With respect to the as you said the President’s feelings about ABS-CBN. There’s a basis for his expression of displeasure. What? He was a victim of fraud and when he expresses that, that expression fell within the freedom of expression which we cannot deprive a President of, given that all citizens are entitled to do, but it doesn’t mean nor has anything to do with the petition filed by Solgen, because that is the job of the Solgen. And if he does not do that, then he would be charged with the dereliction of duty ” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.
(Rosalie Coz | UNTV News)