Pangulong Duterte, walang ilalabas na EO kontra kontraktuwalisasyon

by Radyo La Verdad | April 20, 2018 (Friday) | 2391

Nasa Kongreso na ang bola upang tuluyang wakasan ang “endo” o ang sistemang end-of-contract sa bansa.

Ito ang posisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaya inihayag ng Malacañang na hindi na maglalabas ng executive order ang Duterte administration.

Taliwas ito sa naunang pahayag ng palasyo na posibleng lagdaan ng pangulo ang isang executive order kontra endo bago mag Mayo uno o Labor Day.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tinupad na ni Pangulong Duterte ang campaign promise nito na wakasan ang 5-5-5 scheme o ang limang buwang kontrata lamang sa mga empleyado.

Sa halip na EO, posibleng i-certify as urgent na lamang ng pangulo ang mga panukala kontra kontraktwalisasyon upang bumilis ang pag-usad nito.

Lusot na sa Kamara ang panukalang batas para wakasan ang endo samantalang nakabinbin pa sa Senado ang mga panukala kontra kontraktuwalisasyon.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,