Ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa takdang panahon ang kanyang pasya kung ipagpapatuloy pa o babawiin na ang umiiral na unilateral ceasefire ng pamahalaan.
Kasunod ito ng pagbawi ng New Peoples Army sa idineklarang tigil putukan noong August 2016 dahil umano sa hindi pagtupad ng pamahalaan sa pangakong pagpapalaya sa mga political prisoners.
Pinuna ng punong ehekutibo ang kagustuhan ng mga makakaliwang grupo na palayain ang mahigit sa 400 political prisoners dahil para na siyang nagbigay ng amnesty na nararapat lang sana sa panahong matagumpay na ang usapang pangkapayapaan.
Ayon sa pangulo bago siya magpasya ay kinukonsulta muna niya ang ibang ahensya ng pamahalaan.
Tags: Pangulong Duterte, wala pang tugon sa pagbawi ng NPA sa unilateral ceasefire