Pangulong Duterte, wala pang planong magkaroon ng pakikipag-alyansang militar sa Russia

by Radyo La Verdad | December 2, 2016 (Friday) | 1548

rosalie_pres-duterte
Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagkaisa sa mga bagong kaibigan nitong bansa tulad ng Russia at China upang maipakita sa buong mundo na hindi limitado sa iilang bansa lang ang business at diplomatic relations ng Pilipinas.

Ngunit sa isang exlusive interview ng Russian Television Network na RT, sinabi ng pangulo na wala pa siyang plano na magkaroon ng pakikipag-alyansang militar sa Russia dahil sa umiiral na mutual defense treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Wala pa ring balak ang punong ehekutibo na magkaroon ng military alliance sa China.

Ayon sa pangulo, masaya naman siya sa mabuting ugnayan ngayon ng dalawang bansa.

Ipinagmalaki rin ni Pangulong Duterte ang mga iniaalok na firearms ng China at Russia sa Pilipinas kasunod ng umano’y pagkansela ng Amerika sa pagbebenta ng mga baril sa bansa.

Una nang inihayag ng Pangulo na ang pagkiling nito sa China at Russia ay upang paigtingin ang Economic Cooperation ng Pilipinas sa dalawang bansa.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: ,