Hindi ang unsavory o di kaaya-ayang balita ng Rappler na patungkol kay Pangulong Duterte ang dahilan kaya pinagbawalan ito na mag-cover sa Malacañang at sa mga aktibidad ng Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, wala nang tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing online news site.
Bukod pa ito sa naging desisyon ng Securities and Exchange Commission na kanselahin ang kanilang registration dahil sa paglabag sa probisyon sa Saligang Batas hinggil sa pagmamay-ari ng mass media sa bansa.
Karapatan din aniya ng Presidente kung sino ang gusto niyang kausapin.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: Malacañang, Pangulong Duterte, Rappler