Pangulong Duterte, umapela sa CA na pakinggan ang argumento ni DENR Sec. Lopez sa mining operations

by Radyo La Verdad | March 8, 2017 (Wednesday) | 3331


Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na bumubuo sa Commission on Appointments na pakinggan din ang paliwanag ni Environment Secretary Gina Lopez hinggil sa kung papaano lubhang naaapektuhan ng mining industries ang kalikasan.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa event ng Department of Agriculture sa malakanyang kahapon.
Nagbigay din ng garantiya ang pangulo na ginagawa ni lopez ang kaniyang trabaho.

Aniya, may punto ang kalihim na hindi matututulan kaugnay ng pagkasira ng kalikasan dahil sa walang habas na pagmimina lalo na sa Mindanao.

Humarap ngayong araw sa confirmation hearing ng Commission on Appointments si Sec. Lopez.

Matatandaang kasama ang kalihim sa 15 miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na hindi nakumpirma ng CA matapos na mag-adjourn ang session ng Kongreso para sa dalawang linggong break noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ngunit nire-appoint ito ng punong ehekutibo noon ding Nobyembre.

Nitong nakalipas na Pebrero, hindi naman natuloy ang pagharap ng kalihim sa confirmation hearing dahil sa nangyaring major revamp sa Senado.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,