Pangulong Duterte, tumangging humingi ng paumanhin sa Simbahang Katolika

by Radyo La Verdad | June 29, 2018 (Friday) | 3273

Bagaman pinigil ang sariling magbitiw muli ng mga kontrobersyal na pahayag laban sa Simbahang Katolika, ‘di humingi at walang balak humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mga naging pahayag laban sa Simbahang Katolika.

Ginawa ng pangulo ang pahayag kahapon nang tanungin ng media sa 25th Annual National Convention of the Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) sa Panglao Island, Bohol.

Una nang binatikos ang Pangulo sa mga pahayag niya laban sa mga aral ng Simbahang Katolika tulad ng original sin.

Ayon din sa ibang religious leader at miyembro ng oposisyon, dapat humingi ang Pangulo ng paumanhin sa pagbibitiw ng ‘di magandang pananalita laban sa paniniwala ng mga Katoliko at bagkus igalang ang kanilang pananampalataya.

Itinanggi naman ng punong ehekutibo na may gusto siyang takpang isyu kaya siya nagbibitiw ng mga kontrobersyal na pahayag.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,