Pangulong Duterte, suportado ang rekomendasyon na pagpapasara ng Boracay Island

by Radyo La Verdad | March 21, 2018 (Wednesday) | 7028

Posibleng matuloy na ang pagpapasara sa isla ng Boracay para sa rehabilitasyon nito.

Kagabi sa kanyang talumpati sa General Assembly of the League of Municipalites of the Philippine sa Manila Hotel kagabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakausap na niya si Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año tungkol sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force para sa Boracay rehabilitation.

Ayon sa pangulo, suportado niya ang pagpapasara sa isla. Posible aniyang tumagal ito ng anim na buwan o higit pa.

Una ng inihayag noong nakaraang linggo ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na irerekomenda nila ang pagpapasara sa isla para mas mapabilis ang rehabilitasyon nito. Ibig sabihin, hindi papapasukin sa isla ang mga foreign at local tourists.

Target ng Inter-Agency Task Force na binubuo ng DILG, DENR at Department of Tourism na maipatupad ang temporary closure order sa Abril.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,