Pangulong Duterte, sinadyang hindi dumalo sa ASEAN-US Summit

by Radyo La Verdad | September 13, 2016 (Tuesday) | 1644

pres-duterte
Wala si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang bilateral meeting ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Leaders at ng Estados Unidos sa Bientiane, Laos noong nakaraang linggo.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, hindi nakadalo ang pangulo sa ASEAN-US Summit dahil sa migraine attack.

Ngunit kagabi, inihayag ni Pangulong Duterte na sinadya nyang hindi dumalo sa naturang bilateral talks.

Ipinakita din nito ang larawan ng mga Filipino Muslim o mga MORO na pinatay ng mga Amerikanong sundalo sa Bud Dajo, isang volcanic crates sa Jolo noong March 1906 o mas kilala bilang Bud Dajo massacre.

Una nang ipinakita ito ng pangulo sa ASEAN-East Asia Summit na dinaluhan ng ilang head of state kabilang na si U.S President Barack Obama.

Sa huli ay ipinangako ng pangulo na hindi titigil ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

(UNTV News)

Tags: ,