Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Kuwaiti Ambassador Musaed Saleh Al-Thwaikh noong Miyerkules sa Malacañang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, bilateral ang naturang pagpupulong at tanging Pangulo ang nakakaalam sa napag-usapan ng dalawa.
Gayunman, ayon kay Roque posibleng sa pagpupulong ginawa ang imbitasyon upang bumisita ang Pangulo sa Kuwait sa malapit na hinaharap.
Dagdag pa ng opisyal, marahil ay nais patunayan ng Kuwaiti government ang kooperasyon nito sa Pilipinas pagdating sa pangangalaga sa mga OFW sa kanilang bansa.
Tinatayang nasa 250 thousand ang mga Pilipino sa Kuwait at nasa 165 thousand dito ay mga household domestic workers.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte ang posibilidad na pauwiin ang mga Pilipino at tuluyang ipatupad ang deployment ban ng OFW sa Kuwait kung walang gagawing hakbang ang kanilang gobyerno para maiwasan ang pag-abuso sa karapatan ng mga OFW.
Gayunman, kinakailangan pang kumpirmahin ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang naturang ulat.
( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )
Tags: Kuwait, Malacañang, Pangulong Duterte