METRO MANILA – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections mula May 11, 2020 sa December 5, 2022.
Ibig sabihin, 2 halalan ang mangyayari sa taong 2022 ang Presidential
Elections sa Mayo at ang Barangay at SK Elections sa Disyembre.
Sa ilalim na bagong batas, mananatili ang lahat ng kasalukuyang Barangay at SK officials
sa pwesto hanggang 2022 liban na kung maaalis sa pwesto o masususpinde.
Sa January 1, 2023 naman, mauupo ang mga bagong halal na opisyal sa barangay at
mangyayari ang eleksyon sa barangay tuwing pagkatapos ng 3 taon.
(Rosalie Coz | UNTV News)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com