Sa publication ng Manila Times ngayong araw, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng proclamation number 572 ang pagpapawalang-bisa sa amnestiyang ipinagkaloob ng dating Aquino administration kay Senador Antonio Trillanes IV.
Matatandaan noong taong 2010, nagkaloob ng amnestiya si dating Pangulong Noynoy Aquino sa lahat ng dating opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na kabilang sa 2003 Oakwood mutiny, 2006 Marine stand off at 2007 Manila Peninsula incident.
Batay sa ulat, hindi nagsumite ng official amnesty application form si Trillanes at hindi rin aniya nagpahayag na guilty ito sa Oakwood mutiny at Peninsula Manila Hotel siege na kinakailangan upang ma-proseso ang application for amnesty.
Tags: AFP, Pangulong Duterte, Senador Trillanes