Pangulong Duterte, pinangunahan ang opening ceremony ng 31st ASEAN Summit

by Radyo La Verdad | November 13, 2017 (Monday) | 3876

Sinalubong nina Pangulong Rodrigo Duterte at partner nitong si Madame Honeylet Avanceña ang ASEAN economic leaders at dialogue partners bago ang opening ceremony ng 31st ASEAN Summit and Related Meetings.

Pormal nang inumpisahan ang summit sa Cultural Center of the Philippines o CCP kaninang pasado alas-nuebe ng umaga.

Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng ASEAN economic leaders at dialogue partners. Nagpasalamat din ito sa lahat ng international partners ng Pilipinas na nagbigay ng ayuda sa pagresolba ng Marawi Crisis.

Inanunsyo rin ng punong ehekutibo na nagkasundo ang ASEAN Member States na isulong ang kapakanan at pangalagaan ang karapatan ng mga migrant workers.

Ayon pa sa Pangulo, kasama niya ang ibang ASEAN leaders sa pagpirma ng isang landmark document na magpapaigting ng social protection, access sa hustisya, makatao at pantay na pagtrato sa mga migrant worker.

Ilang cultural presentation at performance naman ang inihanda para sa mga delegado. Susundan ang opening ceremony ng ASEAN Summit plenary session at iba pang ASEAN Related Meetings.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,