Tuloy pa rin ang suporta ni dating Pangulong Fidel Ramos sa Administrasyong Duterte sa kabila ng pagbibitiw bilang special envoy to China.
Ayon sa bahagi kanyang resignation letter nabinasa sa publiko ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pinagtibay nito ang suporta kay Pangulong Duterte lalo na kung para aniya sa kapakanan ng mahigit isang daang milyong Pilipino na pinaglilingkuran nito
Itinalaga ni Pangulong Duterte si former President Ramos bilang special envoy sa China noong nakaraang Hulyo.
Ngunit nagbitiw ito sa tungkulin dahil nagawa na umano nito ang bahagi pagbasag ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.