Pangulong Duterte, pangungunahan ang turnover ng mahigit 500 temporary shelters sa Marawi ngayong araw

by Radyo La Verdad | December 27, 2017 (Wednesday) | 5560

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang turnover ng mahigit limandaang transitional shelters para sa mga residenteng naapektuhang ng giyera sa Marawi.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mangunguna sa formal turn over ceremony ng temporary shelter units ng Task Force Bangon Marawi, ito na ang ikapitong beses na pagbisita ng Pangulo sa Marawi City.

Nasa 1,100 na temporary shelters ang target na maitayo ng pamahalaan sa barangay Sagongsongan. Bukod dito, may ceremonial turnover din ng temporary shelters ang PAGCOR sa Matungao, Lanao Del Norte.

Samantala, dadaluhan din ni Pangulong Duterte ang briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na isasagawa naman sa probinsya ng Lanao del Norte.

Ang mga probinsya ng Lanao gayundin ng Zamboanga del Norte ang pinaka naapektuhan ng bagyong Vinta noong nakalipas na weekend.

 

 

Tags: , ,