Pangulong Duterte, panauhing pandangal sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017

by Radyo La Verdad | April 24, 2017 (Monday) | 1695


Nasa labing limang libong atleta, organizers at DepEd officials ang dumalo sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 na ginanap sa Binirayan Sports Complex, San Jose De Buenavista, Antique kahapon.

Panauhing pandangal sa opening ceremony si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati, hinikayat nito ang mga atleta na panatilihin ang pagmamahal sa bansa upang maging responsableng mga mamamayan.

Ipinaliwanag din ng pangulo sa mga atleta ang dahilan ng mahigpit nitong kampanya kontra katiwalian.

Samantala hindi bababa sa sampung bata ang hinimatay dahil sa matinding init habang naghihintay sa pagdating ng pangulo.

Pasado alas onse ng umaga nagsimula ang opening parade ng mga atleta at alas tres naman ng hapon dumating si Pangulong Duterte.

Agad namang dinala ng mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga first aid station ang mga ito.

Dahil dito sinabi ni Department of education Secretary Leonor Briones na sa susunod ay uumpisahan na bandang alas kuwatro ng hapon ang opening ceremony upang huwag ng maulit ang pangyayari.

(Lalaine Moreno)

Tags: , ,