Pangulong Duterte, pag-aaralan ang panukalang magkaroon ng Nuclear Energy Agreement ang bansa sa isang Russian Firm

by Erika Endraca | October 14, 2019 (Monday) | 13207

MANILA, Philippines – Natalakay sa Ika-42 cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong Biyernes (October 11)  ang Memorandum of Intent sa posibilidad na magkaroon ng kooperasyon sa pagtatayo ng nuclear power plants sa Pilipinas sa pagitan ng Department of Energy at isang Russian Firm.

Ayon kay Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, sina Energy Secretary Alfonso Cusi at Assistant Secretary Gerardo Erguiza ang tumalakay sa proposed Nuclear Energy Agreement sa isang kumpanya sa Russia.

Binigyang-diin din ng Department of Energy (DOE) sa cabinet meeting na ang pinirmahang memorandum of intent sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia ay isa lamang framework para sa discussion at di upang magtayo ng small modular reactor.

Samantala, nais muna ni Pangulong Duterte na pag-aralang mabuti ang naturang panukala.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,