Pangulong Duterte, nilagdaan na ang batas na magtatatag ng Malasakit Center sa lahat Pampublikong Ospital

by Erika Endraca | December 4, 2019 (Wednesday) | 2425

METRO MANILA – Ganap ng batas ang Malasakit Center Law o ang Republic Act Number 11463 matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang Kahapon (Dec. 3).

Layon nitong magtatag ng Malasakit Center sa higit 70 pampublikong ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department Of Health (DOH) sa buong bansa.

Sa ilalim ng Malasakit Centers, mayroon ng one-stop shop na malalapitan ang mga mamamayan na maaaring hingan ng tulong medikal tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Si Senator Bong Go, ang Dating Top Aide ng Punong Ehekutibo ang nagtulak sa naturang batas upang tulungan ang mga mahihirap na Pilipino sa kanilang gastusing medikal.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: