Pangulong Duterte, nilagdaan na ang bagong Salary Standardization Law

by Erika Endraca | January 10, 2020 (Friday) | 12162

METRO MANILA – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong Salary Standardization Law o ang Salary Standardization Law of 2019.

Nangangahulugan ito ng dagdag na sahod para sa lahat ng mga kawani at opisyal ng Pamahalaan.

Ipagkakaloob ito sa pamamagitan ng 4 na tranches mula fiscal year 2020 hanggang 2023.

Umaasa ang Malacañang na sa panibagong round ng salary adjustment, magdodoble kayod sa serbisyo ang mga taong-gobyerno.

Magiging kapaki-pakinabang din ito para sa mga kawani ng Pamahalaan na tapat at maigting ang pagtatrabaho gaya ng mga guro at nurses.

“I’m sure this law would benefit those hardworking men and women in the government, including the most neglected sector in the bureaucracy and I refer to teachers and nurses “ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,