Nakarating na sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang dalawang araw na official visit. Lumapag ang sinakyan nitong chartered flight sa Haneda International Airport dakong alas-2:45 ng madaling araw.
Kasama ng Pangulo ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña at kanilang anak na si Kitty. Kasama din ng Pangulo sa kanyang biyahe ang ilan sa miyembro ng gabinete, gayundin ang ilang opisyal ng militar at mga sundalo na lumaban para sa pagbawi ng Marawi City.
Nakatakdang makipagpulong ang Pangulo kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe upang pag-usapan ang mga mahahalagang bagay gaya ng ekonomiya at ang tensyon sa Korean Peninsula.
Makakaharap din ng Presidente si Emperor Akihito para saksihan ang pagpirma ng sulat na naglalayong paigtingin ang bilateral ties ng Pilipinas at mga Japanese businessmen.
Ito na ang ikalawang pagbisita ng Pangulo sa bansa.
Tags: Japan, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Pangulong Duterte