Pangulong Duterte, naniniwalang di kayang sugpuin ang Hazing sa bansa

by Erika Endraca | October 2, 2019 (Wednesday) | 8593

MANILA, Philippines – Mananatili ang mga insidente ng karahasan sa bansa bunsod ng hazing liban nang mawala ang mga fraternity ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya naniniwala ang Punong Ehekutibo na hindi ito masusugpo kasunod ng pagkasawi ng isang kadete Ng Philippine Military Academy kamakailan dahil sa Hazing. Sa kabila rin ito ng pinirmahan niyang Anti-Hazing Act of 2018.

“Hindi mo talaga matanggal ‘yan, Ma’am. Unless you ban fraternity for all time. Make it a criminal offense by joining a fraternity. But that would raise so many constitutional issues. Hindi mo talaga mapigilan ‘yan.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,