Nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte na haharapin nito ang problema kaugnay ng umano’y pagtaas ng kaso ng extrajudicial killings sa bansa
Ngunit ayon sa Chief Executive, hindi ito nangangahulugan na ititigil ng pamahalaan ang kampanya laban sa iligal na droga.
Umani ng negatibong reaksyon mula sa mga human rights group ang anti-drug war ng pamahalaan dahil sa patuloy anila na nadaragdagang bilang ng mga biktima ng extrajudicial killings sa bansa.
Ayon sa tala ng PNP, umabot na sa mahigit isang libo pitong daan ang mga drug personality na napapatay sa mga lehitimong police operations.
Tags: nangakong haharapin ang isyu ng extrajudicial killings, Pangulong Duterte