Pangulong Duterte, nangako ng tulong sa mga preso sa BJMP jails sa Camp Bagong Diwa, Taguig

by Radyo La Verdad | October 19, 2017 (Thursday) | 3913

Ilang kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa ang binisita sa unang pagkakataon ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Sa Camp Bagong Diwa nakaditene ang ilang high-profile detainees tulad nina Janet Napoles, mga miyembro ng Abu Sayyaf, ina ng Maute brothers na si Farhana Maute at mga suspek sa Maguindanao Massacre.

Mayroong itong 6,274 na inmate population sa situation briefing ng BJMP, kasama ang punong ehekutibo, inihayag ni Acting Chief BJMP Jail Director Deogracias Tapayan ang pangangailangan na ipagpatuloy ang improvement sa jail management operations.

Ilan umano sa hamon ay ang kanilang kakulangan sa logistical at manpower requirements. Ngunit sa kabila ng congestion at mga kakulangan sa piitan, sinabi ng punong ehekutibo na satisfied siya sa pagpapatakbo ng BJMP facilities kahit limitado ang budget nito.

Kaya nangako itong magkakaloob ng mga sasakyan at iba pang security equipment sa susunod na taon at dodoblehin ang sweldo ng mga tauhan ng BJMP. Nangako din ito na magkakaloob ng tulong para sa mga preso.

475 piitan sa buong bansa ang pinangangasiwaan ng BJMP, higit 152 libong inmates din ang binabantayan ng nasa higit 12 libong BJMP personnels.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,