Pangulong Duterte, nanawagan sa local officials sa Mindanao na paigtingin ang seguridad at kaayusan

by Radyo La Verdad | March 8, 2017 (Wednesday) | 1783


Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang lugar sa Mindanao na mistulang umiiral ang anarkiya dahil sa mga kaguluhan bunga ng terorismo at operasyon ng iligal na droga.

Inihalimbawa ng pangulo ang pagkakaroon ng mga pagsabog sa Zamboanga City, Marawi City at ilang bahagi ng Davao.

Dahil dito, nanawagan na si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na paigtingin ang kanilang pagbabantay sa seguridad.

Nagbanta rin ang pangulo na kung hindi ito magagawa ng lokal na pamahalaan, aalisin niya ng police force ang mga ito.

Samantala, sinabi rin ng pangulo na nagpapatuloy ang pag-eliminate sa isa’t isa ng mga involved sa operasyon ng iligal na droga sa Samar at sa Leyte.

Nanindigan naman ang pangulo na ipagpapatuloy niya ang kaniyang kampanya kontra iligal na droga.

At muling sinabing handa siyang magtanggol sa mga tauhan ng pulisya na mairereklamo dahil sa legitimate police operations kaugnay ng kaniyang anti-drug war.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,