Pangulong Duterte, nakatakdang muling bumisita sa Japan sa susunod na Linggo

by Radyo La Verdad | May 25, 2019 (Saturday) | 20634

MALACAÑANG, Philippines – Muling bibisita sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo. Dadalo ang Pangulo sa 25th Nikkei Conference at makipagpulong kay Japanese Prime Minister Abe Shinzo. Ito ang ikatlong pagbisita ng Punong ehekutibo sa Japan.

Ang Nikkei Conference on The Future of Asia ay taunang pagpupulong sa Tokyo kung saan nagtitipon-tipon ang Asian Government at Business Leaders para pag-usapan ang direksyon ng Asya sa usapin ng ekonomiya.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Meynardo Montealegre, nakatakdang magbigay ng talumpati si Pangulong Duterte sa naturang conference at pagkatapos nito ay may bilateral meeting din kay Japanese Prime Minister Abe.

Posible ring makipagkita sa Filipino community sa Japan ang Punong ehekutibo.

“Well, the President will likely assert Asia’s role in charting its own future even as we affirmed the larger international frameworks and mechanisms that have given birth through the Asian century we now enjoy. He will likely also highlight how address thing – addressing domestic imperatives provides the conditions by which we will collectively shape Asia’s future.” Ani ni DFA ASec for Asian and Pacific Affairs Meynardo Montealegre.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,