Pangulong Duterte, nakapagtala ng record-high satisfaction rating batay sa pinakahuling ulat ng SWS

by Erika Endraca | May 6, 2019 (Monday) | 2318

Manila, Philippines – Nakapagtala si Pangulong Rodrigo Duterte ng record-high satisfaction rating batay sa pinakahuling ulat ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Excellent o 72 percent net satisfaction rating ang kaniyang nakuha sa first quarter 2019 ibig sabihin, mas marami ang mga pilipinong nasisiyahan sa administrasyong Duterte kung saan 81 percent ang satisfied, 9 percent ang di kuntento at 10 percent ang di sigurado sa kanilang tugon.

Pinakamataas ito sa lahat ng administrasyong nagdaan mula nang umpisahan ang survey taong 1989.

6 percent naman ang itinaas nito kumpara sa 66 percent very good satisfaction rating noong December 2018.

Pinakamataas ang gradong nakuha ng punong ehekutibo sa pagtulong sa mga mahihirap, reconstruction ng marawi city, paglaban sa terorismo at krimen at reconciliation sa mga rebeldeng komunista.

Ginawa ang survey sa pamamagitan ng panayam sa 1,440 respondents sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong March 28-31, 2019.

Ikinatuwa naman ng Malacañang ang survey result at ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bunga iyon ng pagsusumikap ng administrasyong Duterte.

Dagdag pa ng opisyal, sampal ito sa oposisyon at mga naninira sa pangulo. Kaya panawagan ni panelo sa mga tumutuligsa sa administrasyon, sa halip na siraan ang punong ehekutibo, tumulong na lang sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng bansa.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,