Pangulong Duterte, nakapag-uwi ng halos 200-M dolyar na investment pledges mula sa bansang Singapore

by Radyo La Verdad | April 30, 2018 (Monday) | 4172

Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda ng mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Singapore sa ginanap na ASEAN leaders meeting sa Singapore.

Tinatayang aabot sa 185.7 milyong doyar na investment sa Pilipinas ang ipinangako ng Singapore.

Tiniyak ng pangulo sa Singapore na sisikaping mapigilan ang korapsyon sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Dagdag ng pangulo, hihilingin niya sa Department of Trade and Industry (DTI) ang patuloy na paggawa ng mga hakbang upang maging mas madali at mas mabilis ang pagtatayo ng negosyo sa Pilipinas.

Anim na memorandum of understanding (MOU) at apat na letter of intent ang isinumite ng iba’t-ibang Singaporean companies mula sa iba’t-ibang sektor.

Isa sa kasunduang nalagdaan ay sa pagitan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at ng Singapore Manufacturing Federation.

Layunin nito na pagtibayin at palakasin ang ugnayan sa pagnenegosyo ng dalawang bansa.

Gayundin ang pagpapalitan ng impormasyon at kaalaman para sa mas mabilis na pag-unlad ng negosyo.

Samantala, isa sa nilagdaang letter of intent (LOI) ay sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ASEAN Business Advisory Council.

Layunin nito na ang pagtutulungan ng dalawang organisasyon upang mapag-aralan ang SG Connect legacy project.

 

( Maila Guevarra / UNTV Correspondent )

Tags: , ,