MANILA, Philippines – Nakabalik na ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ilang araw na pagbisita sa Russia. Nasa P620-Mna halaga ng business deals ang napirmahan sa pagitan ng 2-bansa.
Bukod dito, 2 Filipino fishing companies din ang makapag-eexport na ng tuna sa bansang Russia. Si Pangulong Duterte rin ang kauna-unang Philippine President na ginawaran ng honorary doctorate degree ng nangungunang institution for diplomats sa Russia.
Ilan lamang ito sa naging bunga ng 5-araw na official visit ni Pangulong Duterte sa Russia bukod pa sa Bilateral Cooperation Agreements na pinirmahan sa pagitan ng 2 bansa. Ayon sa Punong Ehekutibo, mahalaga ang naging pagbisita ng Pangulo sa Russia sa isinusulong nitong foreign policy.
Samantala, nilinaw naman ng Pangulo na kahit kabilang sa mga pinirmahang business agreements ng Pilipinas at Russia ang memorandum of intent to jointly explore the prospects of cooperation sa pagtatayo ng nuclear power plants sa Pilipinas, di pa ito pinal at isang panukala pa lamang. Tatalakayin pa aniya ito sa kaniyang cabinet meeting lalo na at di ito ipinahihintulot ng saligang batas.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Pangulong Duterte, Pilipinas, Russia