Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa pamilya ni Horacio “Atio” Castillo, ang pinaniniwalang nasawi dahil sa hazing rites ng Aegis Juris Fraternity na nakabase sa University of the Philippines.
Sa pagpupulong, personal na inatasan ni Pangulong Duterte ang Manila Police District Director sa pamamagitan ng tawag sa telepono na pangunahan imbestigasyon. Ang National Bureau of Investigation naman ang bahala sa validation.
Tiniyak naman ni Pangulong Duterte sa pamilya Castillo na walang mangyayaring whitewash at makakamit ang hustisya sa pagkasawi ni Atio. Ibig sabihin, “yung mga may flights directly na hindi na dumadaan ng Manila.”
Kuntento naman ang pamilya Castillo sa resulta ng pakikipag-usap nila kay Pangulong Duterte.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: Horacio Castillo, MPD, Pangulong Duterte