METRO MANILA – Matapos na manawagan ang ilang commuters na gawing abot-kaya ang halaga at suspindihin ng Department of Transportation (DOTr) ang mandatory na paggamit ng beep cards ng mga pasahero sa Edsa busway, nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu.
Aniya, nais niyang gawing libre ang beep card para sa mga mahihirap na mamamayan.
“Kaya yang card, card lang naman yan, ibigay na yan libre. Bakit pabayaran pa yan, we’re wasting so many Billions to corruption. Tapos yan hindi maibigay. That’s why I want to talk to Secretary Tugade next meeting because I would raise with the possibility of giving it free.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa nito, hahanap ng pondo ang pamahalaan para maipamahagi ito ng libre.
Nauna nang nangako ang Af payments incorporated na mamimigay ng 125,000 na libreng beep cards sa mga walang kakayanang makabili nito.
“Kami dito sa itaas nakikita namin, how it affects the human person, trabaho namin iyan. If there is no relief in sight or if it cannot be done immediately, I suggest we find the money and give it to the public free, para walang gulo at lahat mayroon.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
(Rosalie Coz | UNTV News)