MANILA, Philippines – Kasunod ng ulat ng mga namamatay na pasyente sa mga ambulansyang naiipit sa matinding trapiko sa Metro Manila, may nais si Pangulong Rodrigo Duterte gawin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Aniya, dapat maging mandatory na sa MMDA at PNP-HPG na magbigay ng ayuda sa mga ambulansang may lulang pasyenteng nasa emergency situation.
Samantala, nanindigan naman si Pangulong Duterte na di magmamakaawa sa kongreso para pagbigyan sa hiling na emergency powers sa nalalabing termino.
Ito ay kahit naniniwala ang mga miyembro ng kaniyang gabinete na malaki ang maitutulong ng emergency powers sa pagresolba ng matinding suliranin sa trapiko sa Metro Manila.
Ayon sa Pangulo, di na sapat ang panahong nalalabi sa kaniyang termino para matapos ang lahat ng proyekto kahit mayroon pa siyang emergency powers.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: emergency powers, MMDA, PNP-HPG, traffic scheme