Pangulong Duterte, nais bisitahin ang mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

by Erika Endraca | January 14, 2020 (Tuesday) | 1913

METRO MANILA – May plano si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano sa Batangas Ngayong araw (Jan 14).

Ito ay bagaman inamin ng Punong Ehekutibo na pinaalalahanan siya ng kaniyang doktor na mag-ingat dahil sa posibleng maging epekto sa ng ashfall.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang bumisita sa Philippine Marine Corps sa Taguig City Kagabi (Jan. 13).

“I want to go around. Almost I want to visit all the affected areas. Kaya lang sabi nila I’ve been warned by my doctor to be careful kasi nga ito dala-dala ko. Hindi man ito maka-control ng ashes. You know I have a well my dynamics ako dito sa smoking sa the years of smoking. Apektado ‘yung lungs ko.”ani Pangulong Rodrigo Duterte

Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong residente. Magbibigay din ito ng pinansyal na suporta sa mga biktima ng kalamidad.

“ I will give financial assistance, ‘yung… doon dapat gagamitin ‘yung pera.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaalinsabay nito ay nagbabala rin ang Pangulo sa mga negosyanteng nanamantala dahil sa lubhang pagtataas ng presyo ng face at gas mask. Para naman sa mga walang pambibili, mamimigay aniya ng libre ang pamahalaan ng N95 masks.

“Kasi itong mga negosyante if the demand is high then magkakaroon tayo ng medyo magkulang, then the prices go up. Or the worst thing that they can do if they have enough supplies and yet they are selling it at prohibitive prices already. So I’m setting the limit. I’d like to talk to the public health secretary tomorrow.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: