Isinusulong ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mailagay sa Philippine National Police (PNP) ang mismong pagsasanay sa lahat ng gustong maging tauhan ng pulisya at alisin sa Philippine Public Safety College.
Ayon sa Pangulo, ito ay dahil hindi aniya epektibo ang pagtuturo ng disiplina sa mga trainee at nagreresulta sa pagkakaroon ng mga pabayang pulis.
Ginawa ng pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang 120th anniversary ng Philippine Navy sa Coconut Palace sa Pasay City kahapon.
Sa ngayon, kinakailangan pang amyendahan ang batas na lumikha sa PNP noong 1991 upang mailipat nang tuluyan sa PNP ang training ng mga incoming policemen mula sa Philippine Public Safety College at PNP Academy.
Kulang din aniya sa background check sa mga nagnanais pumasok at ang iba kahit kriminal ay nakapasok sa pulisya.
Samantala, nagbabala namang panibago ang punong ehekutibo laban sa mga sangkot at yumaman umano sa iligal na droga partikular na sa Cebu City.
Tags: Pangulong Duterte, Philippine Navy, PNP