Pangulong Duterte nagpasalamat sa mga loans na ipinapaabot ng International Financial World sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | November 8, 2021 (Monday) | 2596

METRO MANILA – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes (November 4) na nagpapasalamat siya na maaari pa ding mag-apply ang Pilipinas para sa mga pautang sa kabila ng kinakaharap na problema sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemyang umiiral sa buong mundo.

“Mabuti naman yung mga loan natin (It’s good to know that we can still apply for loans) sa ngayon ay patuloy na sumusuporta ang International Financial World” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin ng Pangulo na bago siya mag lingkod bilang punong ehekutibo “wala siyang ideya sa buong larawan ng ekonomiya ng bansa”.

“Supportado sa’tin (They are supporting us) despite our convoluted economic problem now. Mayroon pa rin silang tiwala, so, maganda yan (They still have trust in us. Thats good) ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Plano ng Pamahalaan ng Pilipinas na humiram ng P3.07 trillion ngayong taon base sa Department of Budget and Management’s Budget of Expenditures and Sources of Financing para sa Fiscal year ngayong 2021.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: