MANILA, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad ng mas mapanganib na banta sa seguridad sa bansa partikular na sa mindanao.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa appreciation dinner para kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Maynila noong Martes ng gabi. Aniya, ito ang dahilan kung bakit pinaiigting ng pamahalaan ang pwersa at mga kagamitan ng militar at pulisya.
“I see a very dangerous times ahead. And i hope that we will be able to contain whatever there is to really to… but it lumalabas nga ‘yung pawis sa kamay ko just thinking about if it would go awry outside of sulu and basilan islands. So that i said, i must be prepared. And nabili ko na ho ‘yung mga kailangan, but there are still a few things that i must have for my armed forces and the police.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa nito, umaasa siya ng kooperasyon sa kongreso upang mapaghandaan ang banta ng terorismo.
“So i would like at any other time, we have acquired so many armaments. And there were things, kakaunti na lang, which i hope that congress would tide us over to complete the instruments that we need in dealing, especially with terrorism. I hope that by the time i make my exit, nandiyan na lahat ‘yan because i am not belittling the events to come or the person coming in to be the next president. Hindi ko alam kung sino. And i’d rather that i leave with a strong military and police and equipped to challenge the enemies of the state, especially terrorism.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Lunes (July 8) ng gabi pinulong ng pangulo sa malakanyang ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) pero walang inilabas ang palasyo na detalye hinggil sa naturang pulong.
(Rosalie Coz | Untv News)