Pangulong Duterte, nagpaalaala sa mga bagong talagang opisyal ng pamahalaan na wag maging traydor sa pamahalaan

by Radyo La Verdad | December 7, 2017 (Thursday) | 4167

Nagpaalala si Pangulong Rodrigo duterte sa mga bagong talagang opisyal ng pamahalaan na huwag maging traydor sa pamahalaan, ito ang iniwang bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa mga nanumpang bagong talagang opisyal ng pamahalaan at maging ng mga pribadong grupo.

Pinaalalahanan niya ang mga itong huwag magbabago sa kanilang intensyong maging tapat na lingkod-bayan.

Kabilang naman sa mga nanumpa bilang bagong talagang opisyal sa pamahalaan ang dating solicitor general at justice secretary subalit ngayong pinuno na ng Energy Regulator Commission na si Agnes Devenadera.

Nag-oath taking din ang pinuno ng Whistleblower Association of the Philippines at kilalang supporter ni Pangulong Duterte na si Sandra Cam bilang Philippine Charity Sweepstakes Office Board of Directors Member.

Itinalaga rin bilang PCSO Board Member si Bong Suntay na Presidente naman ng Philippine National Taxi Operators Association. Nanumpa rin si dating Presidential Spokesperson at ngayo’y Foreign Affairs Assistant Secretary Ernesto Abella.

Samantala, ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na hindi niya ipipilit sa Kongreso na ibigay sa kaniya ang emergency powers para resolbahin ang suliranin sa matinding trapiko sa Metro Manila.

Sa halip, sasalig siya sa maipapasang tax reform package para sa kaniyang “Build Build Build” infrastructure program.

 

( Asher Cadapan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,