Pangulong Duterte, nagkaloob ng ayuda sa mga nasunugan sa Zamboanga City

by Radyo La Verdad | July 27, 2018 (Friday) | 4913

Mula sa Ipil, Zamboanga Sibugay, bumyahe naman si Pangulong Rodrido Duterte patungong Zamboanga City kagabi upang bisitahin ang 382 pamilya o 1,265 indibidwal na nasunugan moong nakaraang linggo sa Barangay Labuan.

Nagkaloob ng tulong pinansyal ang Pangulo kasama ang DSWD, PCSO at PAGCOR na aabot sa labinglimang libo piso bawat sa pamilyang nasunugan.

Bukod dito, nangako rin ang Pangulo na magpatayo ng pabahay para sa mga biktima.

Katulad ng mga bahay na ipintayo sa Marawi ang ipapagawa ng Pangulo na pangungunahan aniya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inatasan ng Pangulo sina Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDDC) Czar Eduardo del Rosario at National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. na pumunta sa Zamboanga ngayong linggo rin upang pag-aralan ang proyekto.

Target simulan ang proyekto ngayong taon at tatapusin ito hanggang sa 2019

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,