Pangulong Duterte, nagdaos ng isang solidarity dinner para sa mga maralitang taga-Tondo

by Radyo La Verdad | July 1, 2016 (Friday) | 1170

MAYOR-DUTERTE
Dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Delpan Sports Complex kagabi upang humarap sa mga maralitang taga Tondo.

Nakisalo ang bagong pangulo sa isang solidarity dinner kasama ang nasa mahigit limang daang residente.

Sa kaniyang talumpati, sinabi nito na bukas ang pinto ng Malakanyang para sa mga mahihirap.

Kabilang sa mga pangunahing isusulong ng Duterte administration ang mga programang pang-edukasyon at pangkalusugan para sa mga mahihirap.

Ayon kay Duterte, gagamitin niya ang kita ng mga pasugalan at maging ang pag-aari ng gobyerno para sa pagpapagamot ng mga mahihirap natin kababayan.

Muli namang humingi si Pangulong Duterte ng tulong at kooperasyon sa sambayanan.

Samantala, bagamat pormal nang nakapanumpa sa tungkulin, hindi pa rin makapaniwala si Duterte na siya na ang magiging pangulo ng bansa; ngunit nalalaman niyang ito ang tadhana ng Dios sa kanya.

(Jerico Albano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,