Kasunod ng proklamasyon bilang isang teroristang grupo sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army, nagbabala na si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto naman ang mga consultants ng National Democratic Front na pansamantalang pinalaya para makilahok sa natigil na usapang pangkapayapaan.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang panunumpa sa tungkulin ng mga newly appointed generals at flag officers in command ng Armed Forces of the Philippines sa Malakanyang kahapon.
Kulang 20 ang mga NDF consultant na pansamantalang pinalaya kabilang na ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon na umano’y matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines na nadakip at nabilanggo taong 2014.
Dagdag pa ng punong ehekutibo, asahan pa ang mas malawig na digmaan laban sa mga dating rebeldeng grupong ngayo’y itinuturing nang mga terorista.
( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )