Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos partikular na sa Armed Forces nito na itigil na ang pagdadala ng mga kagamitang pang-digma sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular na sa Palawan, Cagayan de Oro City at Pampanga.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa isang press conference sa Malakanyang kagabi.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung hindi ititigil ng US Armed Forces ang pag-u-unload ng kanilang mga armas, at weaponry nila sa bansa, mapipilitan itong pawalang-bisa ang mga kasunduang militar ng Pilipinas sa Amerika.
Dagdag pa ng pangulo, ayaw niyang madamay ang Pilipinas kung magkakaroon ng girian ang Amerika sa ibang bansa.
Bukod pa rito, iginiit din ni Pangulong Duterte na pinahahalagahan nito ang commitment niya kay Chinese President Xi Jinping hinggil sa bilateral talks sa maritime dispute sa West Philippine o South China Sea.
Tags: nagbabala sa Amerika sa paglagay ng kanilang arms depot sa Pilipinas, Pangulong Duterte