METRO MANILA – Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa mga umano’y nagbebenta ng COVID-19 vaccines.
Ikinaalarma ito ng pangulo at inatasan ang mga otoridad na imbestigahan itong mabuti .
“This is very alarming , we condemn this acts and we will not allow perpetrators to go unpunished, I order relevant authority to investigate these matter thoroughly and press charges accordingly”ani
Pres. Rodrigo Duterte.
Muling nagpaalala si Pangulong Duterte sa publiko na libre ang bakuna sa lahat , mahirap man o mayaman.
Kaya naman nagbabala na ang pangulo sa mga gumagawa ng mga ilegal na gawain na ito.
‘Huwag niyo akong pilitin, alam mo kapag medisina im extra sensitive sa mga ganun lalo na deprived bilihin niyo, walang pera, mga mahirap maalisan whatever opportunity, huwag niyong gawin yan kasi nagwawarmning lang ako, huwag ninyong gawin gaya ng droga, huminto kayo” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Samantala, iniulat naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Junior kay Pangulong Duterte na darating na ngayong buwan ang donasyon ng Estados Unidos na 3.24 Million doses ng bakuna.
Kabilang ito sa 16 Million doses ng bakuna na inaasahang maide-deliver ngayong Hulyo.
“Ang malaking inaasahan po natin ay ang pagdating ng US donation thru Covax na J&J na 3.24M na single shot , 6 Million doses ang katumbas nito,ito po ay ipamamahagi natin sa mga senior citizens” ani Vaccine Czar Carlito Galvez Junior.
Ayon kay Galvez, hindi bababa sa 100,000 doses ng bakuna ang ipamamahagi sa ibat ibang rehiyon dahil sa pagdating ng donasyong bakuna.
Sa August, inaasahan ang pagdating naman ng 14.1 Million doses ng COVID-19 vaccines.
Tinanong naman ni Pangulong Duterte ang Food and Drugs Administration ukol sa posibleng epekto ng paggamit ng magkaibang brand ng bakuna kontra COVID-19 sa isang tao.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, may inisyal nang pagaaral ang ibang bansa ukol sa vaccine mixing.
“Preliminary studies in other countries are very encouraging na mukhang tumataas yung end effect na immunity atsaka ng reaction ng pasyente” ani FDA Director General, Usec. Eric Domingo.
Pero ayon kay Usec Domingo, hindi pa tapos ang pag-aaral ukol dito.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Covid-19 Vaccines